Disappointed.

Bakit ganon ang mga pilipino, specially sa mga mahihirap. Pag sa panahon ng kapaskuhan lahat gagawin para lang mag kapera. Holdap dito holdap doon. Lalo na sa mga urban areas o kaya naman sa baclaran o kahit sa zobel sa may makati. T*ngina nagkalat na yung mga magnanakaw dito sa pinas. Actually dito lang ata sa luzon. ewan ko. Pwede naman mag trabaho diba. Magsikap at magkaron ng pera. Matulungan ng maayos ang pamilya ng hindi gumagawa ng kasamaan. Di ba kayo nakukunsensya? (lahat ng mag nanakaw ha) T*ngina CDO nag hihirap na nga oh. nagagawa niyo pang mag nakaw? Naisip niyo bang p*tcha kahit sila nag hihirap di nila nagawang magnakaw. Hindi lang ung itsura ng mga mahihirap na tao ang sinisira niyo. pati buong sambayanang pilipino. Mahiya naman kayo. naturingan kayong pilipino tapos aabusuhin niyo rin mga kapwa niyong pinoy?? kala ko ba nag kakaisa tayo sa panahon ng kahirapan. WTF?! eh bat bigla kayong nglabasan ngayon pang pasko. ayos ah. Uso trabaho mga sir. Dati rati ang mga nanghoholdap kutsilyo lang gamit. aba putcha ngayon baril na. Pokemon ba kayo ng eevolve? tska kung wala kayong pera pano kayo nkabili ng baril?! ano yan ipon niyo sa dati niyong nakuha?! hahaha marunong pla kayo magipon bat di kayo magsikap? YUNG MGA TAONG NINANAKAWAN NIYO NAGHIHIRAP DIN YUNG MGA YAN. MAY MGA PAMILYA DIN YAN. KAYA KUNG IISIPAN NIYO NA NAKAWAN SILA, EH MALA DEMONYO PLA KAYO.

T*ngina kahit sa dyip papatayin na yung tao magkapera lang. nakakatakot ng lumabas at mag commute. Minsan nga nasabi ko sa sarili ko “ayoko ng tumira dito sa pilipinas, parang kabute yung mga magnanakaw eh. di lang pera nanakawin sayo. minsan pag wala kang dalang pera buhay mo ang kapalit”. lalo na dito sa sucat. jusko walang pinipiling oras. kahit tanghaling tapat pag natripan ka nila, dedz ka na. May apat akong kilalang tao na nanakawan halos isang linggo lang un. apat na sila. pano pa kaya sa ibang lugar. ultimo FX meron nadin mag nanakaw. So ano na? ano na ung means ng transpo? lakad ganon? eh kahit maglakad ka tututukan k ng baril. L*che kayo. Panawagan lang din ho mga ser “pulis, barangay captain, mga nagbebenta ng baril, traffic inforser” baka gusto niyo naman gawan ng paraan yan. mga tao na nakakawitness ng pag nanakaw.. baka naman gusto niyo mag tulong tulong para mahuli yung mga magnanakaw? walangya wala ng safe dito ngayon eh kundi sa bahay. minsan yung mga pulis, jeepney driver kasabwat pa nung holdaper. kala ko ba pulis kayo? mas mabuti pa yung pulis pangkalawakan eh nag tatangol ng mga tao. eh kayo? yung ibang mga pulis. puro kotong, share sa holdaper and what not. di aasenso pilipinas dahil sainyo eh. Sa mga holdaper, magnanakaw at kung ano pang kasamaan dyan. makunsensya naman kayo…o kung wala kayong kunsensya, sana kayo nalang natabunan ng putik sa cdo db. sobrang nahihiya akong maging pilipino dahil sainyo. Di pa ko nabibiktima pero alam ko yung feeling eh. alam ko yung pakiramdam nung mga nabiktima niyo. kayo kaya nakawan o kaya naman holdapin matutuwa ba kayo? malamang hinde. matuto sana kayo mag sikap mga ser. as in magsikap na mag hanap ng trabaho at mahiya kayo di lang sa mga tao pati sa dyos.

sorry ah.. nilalabas ko lang yung saloobin ko. para kasing walang gumagawa ng aksyon sa gubyerno at sa mga tao e. walang nkakaisip ng paraan para maibsan yung pagnanakaw at holdapan. hay nkakalungkot ispin na ung mga sarili nating kababayan sila pa yung kriminal at gumagawa ng kasamaan sa kapwa.